Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang kauna-unahang grupo ng mga mananampalataya na papasok sa Paraiso ay may mga mukha sila na nasa anyo ng buwan sa gabi ng kabilugan sa pagliliwanag, pagkatapos ang mga susunod sa kanila ay nasa pinakamatinding talang malaperlas sa langit sa pagliliwanag. Taglay nila ang mga paglalarawan ng kalubusan yayamang hindi sila iihi, hindi sila dudumi, hindi sila dudura, at hindi sila sisinga. Ang mga suklay nila ay ginto. Ang pawis nila ay musk. Ang mga insensaryo nila ay naghahalimuyak ng pinakamabangong pabango at pinakadalisay na insenso. Ang mga asawa nila ay ang mga dilag na may maniningning na mata. Ang pagkalikha sa kanila ay ayon sa pagkakalikha sa iisang lalaki sa larawan ng ama nilang si Adan sa tangkad at pagmumukha, na ang tangkad ng katawan niya ay animnapung siko sa langit.