Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nagsabi, kapag nakaririnig sa mu'adhdhin matapos na magwakas ito mula roon, ng sumusunod: "Allāhumma rabba hādhihi -dda`wati (O Allāh, ang Panginoon nitong panawagang)" na mga pananalita ng adhān na ipinananawagan sa pagsamba kay Allāh at ṣalāh; "[a]ttāmmāti (ganap)" lubos, ang panawagan ng Tawḥīd at Pasugo. "wa-ṣṣalāti -lqā’imah (at ṣalāh na isasagawa)" palagian na isasagawa. "āti muḥammadani -lwasīlata (ibigay Mo kay Muḥammad ang kaparaanan)" at ang katayuang mataas sa Paraiso na hindi nararapat kundi sa kanya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). "wa-lfaḍīlah (at ang kalamangan)" ang antas na nakahihigit sa mga antas ng mga nilikha. "wa-b`athhu (buhayin Mo siya) at bigyan Mo siya. "maqāmam maḥmūdan (sa katayuang pinapupurihan)" na pupurihin ang tatayo roon, ang pinakadakilang Pamamagitan sa Araw ng Pagbangon. "[a]lladhī wa`attahu (na ipinangako Mo)" sa sabi Mo (Qur'ān 17:79): {marahil buhayin ka ng Panginoon mo sa isang katayuang pinapupurihan} dahil ito ay magiging ito ay ukol sa kanya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Kaya ang sinumang dumalangin ng panalanging ito, naging karapat-dapat siya at nangindapat sa kanya ang Pamamagitan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Araw ng Pagbangon.