Nakita ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)sa panaginip na siya ay nasa Paraiso saka nagsabi siya kay Bilāl bin Rabāḥ: "Magpabatid ka sa akin hinggil sa pinakamagantimpalang gawain ng pagkukusang-loob na ginawa mo sa Islam sapagkat tunay na ako ay nakarinig ng mahinang tunog ng sandalyas mo sa pagpapahakbang nito sa paglakad sa harap ko sa Paraiso." Nagsabi si Bilāl: "Ang ginagawa kong isang gawaing pinakamagantimpala sa ganang akin ay na ako ay hindi nasiraan ng kadalisayan sa isang oras sa isang gabi o isang maghapon malibang nagsasagawa ako ng wuḍū', pagkatapos nagdarasal ako sa Panginoon ko dahil sa wuḍū' na iyon ng mga kinukusang-loob na ṣalāh na naitakda sa akin na dasalin ko."