May nagtanong sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na isang lalaking Arabeng disyerto, na kabilang sa mga naninirahan sa disyerto, tungkol sa oras ng Huling Sandali. Nagsabi naman dito ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "At ano ang inihanda mo para rito na maayos na gawa?" Nagsabi ang tagapagtanong: "Hindi ako naghanda para rito ng isang malaking gawa maliban na ako ay umiibig kay Allāh at sa Sugo Niya." Hindi siya bumanggit ng iba pa rito na mga pagsambang pampuso, pangkatawan, at pampananalapi dahil ang mga ito sa kabuuan ng mga ito ay mga sangay ng pag-ibig, na inireresulta sa mga ito, at dahil ang pag-ibig na tapat ay tagapag-udyok sa pagsusumikap sa gawang maayos. Kaya nagsabi sa kanya ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ikaw ay kasama ng iniibig mo sa Paraiso." Kaya natuwa ang mga Kasamahan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa nakagagalak na balitang ito nang matinding pagkatuwa. Pagkatapos nagpabatid si Anas (malugod si Allāh sa kanya) na siya ay umiibig sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at kina Abū Bakr at `Umar at umaasa na siya ay maging kasama sa kanila, kahit pa ang gawa niya ay hindi tulad ng gawa nila.