Bumanggit si Ummu Salamah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya), na siya ay nakarinig sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi minsan: Walang anumang Muslim na may tumama sa kanya na isang kasawiang-palad saka nagsasabi siya ng isinakaibig-ibig para sa kanya ni Allāh: "Tunay na kami ay kay Allāh at tunay na kami ay tungo sa Kanya mga babalik." (Qur'ān 2:156) "O Allāh, magpabuya Ka sa akin" at magbigay Ka sa akin ng pabuya sa pagtitiis ko "sa kasawiang-palad ko" at tutumbas Ka sa akin "at magpahalili Ka para sa akin" para roon "ng higit na mabuti kaysa rito.)" Nagsabi siya: {Kaya noong namatay si Abū Salamah, nagsabi ako: "Alin sa mga Muslim ang higit na mabuti kay Abū Salamah, na kauna-unahang sambahayan na lumikas sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)?" Pagkatapos tunay na ako ay nagsabi nito, kaya nagpahalili si Allāh para sa akin ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), na higit na mabuti kaysa kay Abū Salamah.}