explain-icon

Ang pagpapaliwanag

Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang humiling ng kamartiran at pagkapatay sa landas ni Allāh, habang siya ay tapat na nagpapakawagas sa layunin niyang iyon para kay Allāh (napakataas Siya), magbibigay sa kanya si Allāh ng mga antas ng kamartiran ayon sa tapat na layunin niya, kahit pa namatay siya sa higaan sa hindi pakikibaka.

explain-icon

fawaed

  • Ang katapatan ng layunin kasama ng paggawa ng nakakaya ay isang kadahilanan sa pag-abot sa pinapakay na pabuya at gantimpala, kahit pa hindi niya naisagawa ang gawaing hinihiling.
  • Ang pagpapaibig sa pakikibaka at ang paghiling ng kamartiran sa landas ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan).
  • Ang pagpaparangal ni Allāh sa Kalipunang ito [ng Islām] sapagkat Siya ay nagbibigay rito dahil sa kaunting gawa ng pinakamataas sa mga antas sa Paraiso.