Ayon kay Jābir bin `Abdullāh Al-Anṣārīy, malugod si Allah sa kanilang dalawa, na nagsabi: Kami noon ay kasama ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa isang paglusob at nagsabi siya: "Tunay na sa Madīnah ay talagang may mga lalaking wala kayong nilakbay na isang paglalakbay at wala kayong tinawid na isang lambak malibang sila ay kasama ninyo; hinadlangan sila ng karamdaman." Sa isang sanaysay: "malibang lumahok sila sa inyo sa gantimpala." Ayon kay Anas, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Bumalik kami mula sa paglusob sa Tabūk kasama ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at nagsabi siya: Tunay na may mga taong iniwan natin sa Madīnah na wala tayong tinahak na isang daanan ni isang lambak malibang sila ay kasama natin; hinadlangan sila ng dahilan." Tumpak - Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy - Nagsalaysay nito si Imām Muslim