Ang mga Kasamahan noon ay nagbabanggitan ng tukso ng Bulaang Kristo at nangangamba roon kaya nagpabatid sa kanila ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na mayroong isang pag-iingatang pinangangambahan niya para sa kanila na higit na matindi kaysa sa pangamba sa tukso ng Bulaang Kristo. Ito ay ang shirk sa layunin at pakay, na hindi nahahayag sa mga tao. Pagkatapos ay ipinaliwanag niyang ito ay sa pamamagitan ng pagpapaganda sa gawaing hinahangad dapat dito ang ikalulugod ng Mukha ni Allah [ngunit ginagawa] dahil nakikita ng mga tao.