May dumating na isang lalaki mula sa mga naninirahan sa Najd sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Ang buhok nito ay nagulu-gulo. Ang tinig nito ay mataas. Hindi nauunawaan ang sinasabi nito. Hanggang sa nakalapit ito sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka naman nagtanong ito tungkol sa mga tungkulin sa Islām. Kaya nagsimula ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagdarasal at nagpabatid siya na si Allāh ay nagsatungkulin nga sa kanya ng limang pagdarasal sa bawat araw at gabi. Nagsabi ito: "May inoobliga kaya sa akin na anumang kabilang sa mga pagdarasal na iba pa sa limang ito?" Nagsabi naman siya: "Wala, malibang kapag nagkusang-loob ka ng mga pagdarasal na pangkusang-loob." Pagkatapos nagsabi pa ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kabilang sa isinatungkulin ni Allāh sa iyo ang pag-aayuno sa buwan ng Ramaḍān." Nagsabi ang lalaki: "May inoobliga kaya sa akin na anumang kabilang sa pag-aayuno na iba pa sa pag-aayuno sa Ramaḍān?" Nagsabi naman siya: "Wala, maliban na magkusang-loob ka ng isang pag-aayuno." Pagkatapos binaggit dito ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang zakāh. Nagsabi ang lalaki: "May inoobliga kaya sa akin na anumang kabilang sa mga kawanggawa matapos ng zakāh na tungkulin?" Nagsabi naman siya: "Wala, maliban na magkusang-loob ka." Matapos na nakarinig ang lalaki mula sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng mga tungkuling ito, tumalikod siya palisan at sumumpa kay Allāh (napakataas Siya) na siya ay susunod sa mga ito nang walang pagdaragdag at walang pagbabawas. Kaya nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaagad niyon: "Kapag nagtotoo ang lalaki sa sinumpaan niya, tunay na siya ay magiging kabilang sa mga magtatagumpay."