Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang naghimagsik laban sa pagtalima sa mga nakatalaga sa mga pamamahala at nakipaghiwalay sa komunidad ng Islām na nagkasang-ayon sa pangako ng katapatan sa pinuno, saka namatay sa kalagayang iyon na pakikipaghiwalay at kawalan ng pagtalima, namatay siya sa pagkamatay ng mga kampon ng Kamangmangan, na hindi tumatalima sa isang pinuno at hindi lumalahok sa iisang komunidad, bagkus sila ay mga pangkatin at mga pulutong na nakikipaglaban sa isa't isa sa kanila. Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nakipaglaban sa ilalim ng watawat na hindi nalilinawan dito ang punto ng katotohanan sa kabulaanan: nagagalit siya dahil sa payak na panatisismo sa lahi niya o lipi niya, hindi dahil sa pag-aadya sa Relihiyon at katotohanan, kaya naman nakikipaglaban siya dala ng panatisismong walang pagkatalos at kaalaman, kapag napatay siya sa kalagayang iyon, ito ay gaya ng pagkapatay sa Kamangmangan. Ang sinumang naghimagsik sa Kalipunan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): nananaga ng maayos nito at masamang-loob nito, hindi nag-aalintana sa ginagawa niya, hindi nangangamba sa kaparusahan sa kanya sa pagpatay sa mananampalataya nito, hindi tumutupad sa mga may kasunduan kabilang sa mga tagatangging sumampalataya o sa mga nakatalaga sa mga pamamahala sa kasunduan sa kanila, bagkus sumisira sa mga ito; ito ay kabilang sa malalaking kasalanan at ang sinumang gumawa nito ay naging karapat-dapat nga sa matinding bantang ito.