Nagpabatid ang Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) na may itatalaga sa atin na mga pinuno na magmamabuti tayo sa ilan sa mga gawain nila dahil sa pakikipagsang-ayunan ng mga ito sa minabuti sa Kapahayagan at magmamasama tayo sa ilan sa mga ito dahil sa pakikipagsalungatan nito roon. Ang sinumang nasuklam sa pamamagitan ng puso niya sa nakasasama at hindi nakakaya sa pagmasama, napawalang-sala nga siya sa kasalanan at pagpapaimbabaw. Ang sinumang nakakaya sa pagmasama sa pamamagitan ng kamay o sa pamamagitan ng dila saka nagmasama sa kanila niyon, naligtas nga siya sa pagsuway at pakikilahok doon. Subalit ang sinumang nalugod sa gawain nila at nakipagsunuran sa kanila roon ay masasawi gaya ng pagkasawi nila. Pagtakapos tinanong nila ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi po ba kami makikipaglaban sa mga nakatalaga sa pamamahala, na ito ang katangian nila?" Sumaway siya sa kanila laban doon at nagsabi siya: "Hindi, hanggat nagpapanatili sila sa inyo ng ṣalāh."