Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa kabutihang-loob ni Allāh at awa Niya at na ang Muslim, kapag naging bahagi ng pagkahirati niya na gumawa ng maayos na gawa sa sandali ng kalusugan niya at pananatili niya pagkatapos may nangyari sa kanya na isang maidadahilan saka nagkasakit siya kaya hindi siya nakakaya sa pagsasagawa nito o naabala siya ng paglalakbay, o alinmang maidadahilan, tunay na isusulat para sa kanya ang pabuya nang lubos gaya ng kung sakaling gumawa siya nito sa sandali ng kalusugan at pananatili.