Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na sa bawat araw ayon sa bilang ng bawat palahugpungan (joint) mula sa mga palahugpungan ng mga buto niya, kailangan sa bawat Muslim na naatangan ng tungkulin ang magbigay ng isang kawanggawa ng pagkukusang-loob para kay Allāh (napakataas Siya) bilang paraan ng pasasalamat sa Kanya sa kagalingan; na gumawa si Allāh sa mga buto niya ng mga palahugpungan na nakakakaya siya sa pamamagitan ng mga ito sa pagkuyom at pagbuka; at na ang kawanggawang iyon ay nagagampanan sa pamamagitan ng mga gawain ng pagsasamabuting-loob sa kalahatan ng mga ito at hindi dumedepende sa pagbibigay ng salapi. Kabilang sa mga ito: Ang katarungan mo at ang pagsasaayos mo sa pagitan ng magkaalitan ay kawanggawa. Sa pagtulong mo sa walang-kakayahan sa sasakyan niya para bumuhat sa kanya sa ibabaw nito o mag-angat para sa kanya ng dala-dalahan niya ay may kawanggawa. Ang pangungusap na kaaya-aya gaya ng dhikr, panalangin, pagbati, at iba pa sa mga ito ay kawanggawa. Sa bawat hakbang na nilalakad mo papunta sa ṣalāh ay kawanggawa. Ang pag-aalis sa daan ng nakapeperhuwisyo ay kawanggawa.