Samantalang ang isang lalaki ay naglalakad sa daan habang naglalakbay, dinapuan siya ng uhaw. Bumaba siya sa isang balon at uminom mula roon. Nagwakas ang uhaw niya. Noong lumabas siya, walang anu-ano ay may isang asong dala ng uhaw ay kumakain ng putik na namamasa-masa upang sipsipin niyon ang taglay nitong tubig dahil sa tindi ng uhaw niyon. Nagsabi ang lalaki: "Sumpa man kay Allah, talaga ngang dinapuan ang aso ng uhaw na dumapo sa akin." Pagkatapos ay bumaba siya sa balon at pinuno ang sapatos niya ng tubig at hinawakan ito ng bibig niya. Nagsimula siyang umakyat gamit ang mga kamay niya hanggang sa makaakyat siya mula sa balon. Pinainom niya ang aso. Noong nakainom ang aso, kinilala ni Allah ang kabutihan ng gawang iyon. Pinatawad siya ni Allah at ipapasok sa Paraiso dahil doon. Noong isinalaysay ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ang ḥadīth na ito, tinanong nila siya, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan. Nagsabi sila: "O Sugo ni Allah, tunay na may gantimpala para sa amin dahil sa mga hayop?" Nagsabi siya: "Sa bawat buhay na nilalang ay may gantimpala." Ibig sabihin: Sa pagpapainom dito, sapagkat ang buhay na nilalang ay nangangailangan ng tubig dahil kung hindi dahil sa tubig, natuyo at nasawi na sana ang hayop. Sa isang sanaysay: "Na may isang babaing nangangalunyang kabilang sa mga anak ni Israel na nakakita ng isang uhaw na asong paikut-ikot sa isang balon na hindi makayang makarating sa tubig. Hinubad niya ang sapatos niya at pinuno ito ng tubig. Pinainom niya iyon kaya pinatawad siya ni Allah dahilan sa ginawang iyon."