Ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagsabi: "Ang sinumang umibig sa pakikipagtagpo kay Allah, iibigin ni Allah ang pagkikipagtagpo sa kanya. Ang sinumang nasuklam sa pakikipagtagpo kay Allah, kasusuklaman ni Allah ang pakikipagtagpo sa kanya." Kaya nagsabi si `Ā'ishah, malugod si Allah sa kanya: "pagkasuklam po ba sa kamatayan sapagkat lahat tayo ay nasusuklam sa kamatayan?" Nagsabi siya: "Hindi ganoon." Ipinabatid ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na ang tao, kapag inibig nito ang pakikipagtagpo kay Allah, iibigin ni Allah ang pakikipagtagpo sa kanya. Iyon ay dahil sa ang mananampalataya ay sumasampalataya sa inihanda ni Allah para sa mga mananampalataya sa Paraiso na masaganang gantimpala at kaloob na panlahat na malawak. Iibigin niya iyon at liliit sa paningin niya ang Mundo at hindi niya pahahalagahan ito dahil siya ay lilipat sa higit na maganda kaysa rito. Sa sandaling iyon, iibigin niya ang pakikipagtagpo kay Allah lalo na sa sandali ng kamatayan kapag binalitaan siya ng pagkalugod at awa. Iibigin niya ang pakikipagtagpo kay Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, at pananabikan ito kaya naman iibigin ni Allah ang pakikipagtagpo sa kanya. Ang tumatangging sumampalataya naman, magpakupkop kay Allah, tunay na siya, kapag binalitaan ng parusa ni Allah at ngitngit Niya, ay kasusuklaman ang pakikitagpo kay Allah, kaya naman kasusuklaman ni Allah ang pakikipagtagpo sa kanya. Dahil dito, nasaad sa isang hadith na ang kaluluwa ng tumatangging sumampalataya, kapag binalitaan ng galit at ngitngit ni Allah, ay nagkakahiwa-hiwalay sa katawan nito at tumatangging lumabas.