Ginawa ni Allāh ang awa na isang daang bahagi. Nagpababa Siya ng isang awa sa lupa at pinanatili Niya ang siyamnapu't siyam para sa Araw ng Pagkabuhay. Mula sa iisang awang ito nag-aawaan ang mga nilikha, lahat sila, gaya ng tao, jinn, mga hayop, at mga kulisap. Pati na ang inahing kabayong kilala sa kagaanan at pagpalipat-lipat ay umiiwas na umabot ang kapinsalaan sa anak nito kaya nag-aangat ito ng paa nito sa pangambang masagi iyon. Sa pamamagitan nito dumadamay ang mabangis na hayop sa anak nito. Ipinagpaliban ni Allāh, mapagpala Siya at pagkataas-taas Niya, ang siyamnapu't siyam na awa upang maaawa Siya sa pamamagitan ng mga ito sa mga lingkod Niya sa Araw ng Pagkabuhay. Ang Ikalawang Ḥadīth: Tunay na si Allāh, mapagpala Siya at pagkataas-taas Niya, nang araw na nilikha Niya ang mga langit at ang lupa ay lumikha ng isang daang awa: bawat awa ay pumupuno sa pagitan ng langit hanggang sa lupa. Naglagay Siya ng isang awang dumadamay sa pamamagitan nito ang ina sa anak nito, at nagdadamayan sa pamamagitan nito ang mga hayop at ang mga ibon sa isa't isa. Pagkatapos, sa Araw ng Pagkabuhay ay lulubusin ito ni Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang, sa pamamagitan ng siyamnapu't siyam. Kaya kapag ang nagaganap sa tao na dakilang biyaya ni Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, sa kanya dito sa tahanang itinayo sa mga latak ay dahilan sa iisang awang, papaano ang maiisip sa isang daang awa sa Kabilang Tahanan, ang tahanan ng pananatili at pagganti?"