Nagpabatid ang Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay tumayo, matapos na binato si Mā`iz bin Mālik Al-Aslamīy (malugod si Allāh sa kanya) dahil sa takdang parusa sa pangangalunya, saka nagtalumpati sa mga tao at nagsabi: "Iwasan ninyo ang kasalaulaang ito at ang anumang minamarumi at minamasagwa na mga pagsuway, na sumaway si Allāh laban sa mga ito. Ang sinumang nasadlak at nakaranas mula sa mga ito ng anuman ay may kinailangan sa kanya na dalawang bagay: Ang Una. Na magpatakip siya ng sarili yayamang nagtatakip sa kanya si Allāh at huwag siyang magpabatid ng pagsuway niya. Ang Ikalawa. Na magdali-dali siya sa pagbabalik-loob kay Allāh at huwag siyang magpatuloy rito sapagkat ang sinumang lumitaw sa atin ng pagsuway niya, magpapatupad tayo sa kanya ng takdang parusang nabanggit sa Aklat ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) para sa pagsuway na iyon."