Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na kapag ang anumang tao na nagkakasala ng isang pagkakasala saka nagpahusay siya ng pagsasagawa ng wuḍū', pagkatapos tumindig siya saka nagdasal siya ng dalawang rak`ah nang may layunin ng pagbabalik-loob mula sa pagkakasala niyang ito, pagkatapos hihingi siya ng tawad kay Allāh, magpapatawad naman si Allāh sa kanya. Pagkatapos bumigkas ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng sabi ni Allāh: {...na mga kapag nakagawa ng isang mahalay o lumabag sa katarungan sa mga sarili nila ay umaalaala kay Allāh kaya humihingi sila ng tawad para sa mga pagkakasala nila} (Qur'ān 3:135)