Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh (napakataas Siya) ay tumatanggap ng pagbabalik-loob mula sa mga lingkod niya. Kaya kung nagkasala ang tao ng isang pagkakasala sa maghapon at nagbalik-loob siya sa gabi, tatanggap si Allāh ng pagbabalik-loob niya; at kung nagkasala naman siya ng isang pagkakasala sa gabi at nagbalik-loob siya sa maghapon, tatanggap si Allāh ng pagbabalik-loob niya. Nag-aabot Siya ng kamay Niya (kaluwalhatian sa Kanya) para sa pagbabalik-loob dala ng pagkatuwa rito at dala ng pagtanggap dito. Hindi natitigil ang pinto ng pagbabalik-loob na nakabukas hanggang sa sumikat ang araw mula sa kanluran nito bilang pagpapahayag ng pagwawakas ng Mundo. Kapag sumikat ito [mula sa kanluran], tunay na ang pinto ng pagbabalik-loob ay isasara.