explain-icon

Ang pagpapaliwanag

Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pinakakaibig-ibig na pangungusap para kay Allāh (napakataas Siya) ay apat: Subḥāna -­llāh (Kaluwalhatian kay Allāh). Nangangahulugan ito ng pagpapawalang-kinalaman kay Allāh (napakataas Siya) sa bawat kakulangan. Alḥmadu lillāh (Ang papuri ay ukol kay Allāh). Ito ay paglalarawan kay Allāh ng kalubusang ganap kasama ng pag-ibig sa Kanya at pagdakila sa Kanya. Lā ilāha illa ­llāh (Walang Diyos kundi si Allāh). Ibig sabihin: Walang sinasambang totoo kundi si Allāh. Allāhu akbar (Si Allāh ay pinakadakila). Ibig sabihin: pinakakapita-pitagan, pinakasukdulan, at pinakamakapangyarihan kaysa sa bawat bagay. Ang kainaman ng mga ito at ang pagtamo sa gantimpala sa mga ito ay hindi humihiling ng pagkasunud-sunod ng mga ito sa sandali ng pagbigkas sa mga ito.

explain-icon

fawaed

  • Ang kagaanan ng Batas ng Islām yayamang hindi nakapipinsala kung sa alin man sa mga pangungusap na ito nagsimula ka.