Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nagsabi: "Nalugod ako kay Allāh bilang Panginoon," bilang Diyos, bilang Tagapag-alaga, bilang Pinapanginoon, at bilang Tagapagsaayos; "sa Islām" sa lahat ng mga patakaran nito na mga ipinag-uutos at mga sinasaway "bilang Relihiyon," bilang Kapaniwalaan, bilang Batas, bilang paniniwala, at bilang pagpapaakay; "at kay Muḥammad bilang Sugo" at bilang Propeta kalakip ng lahat ng ipinasugo sa kanya at ipinaabot niya sa atin, "nagindapat para sa kanya ang Paraiso."