Ayon kina Abū Sa`īd Al-Khudrīy at Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanilang dalawa, ayon sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: Si Allah, napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas, ay naniniwala sa tao kapag nagsabi ito ng Lā ilāha illa -llāhu wa -llāhu akbar (Walang Diyos kundi si Allah at si Allah ay Pinakadakila) at nagsasabi naman si Allah ng Lā ilāha illā anā wa anā akbar (Walang Diyos kundi Ako at Ako ay Pinakadakila). Kapag nagsabi ito ng Allāhu akbar wa lā ḥawla wa lā qūwata illā bi-llāh (Si Allah ay pinadakila at walang kapangyarihan at walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allah), pinaniniwalaan din ito ni Allah. Ang sinumang magsabi nito: Lā ilāha illa -llāh wa lā ḥawla wa lā qūwata illā bi-llāh (Walang Diyos kundi si Allah — tanging Siya: walang katambal sa Kanya; at walang kapangyarihan at walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allah), pagkatapos ay namatay, ang taong ito ay hindi matitikman ng Apoy. Nangangahulugan ito na iyon ay kabilang sa mga dahilan ng pagkakait sa tao sa Impiyerno. Kaya nararapat sa tao na isaulo ang dhikr na ito at dalasan ang pagsambit nito sa panahon ng pagkakasakit niya upang pagwakasin siya sa kabutihan, kung niloob ni Allah, pagkataas-taas Niya.