Ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {May dumating na isang lalaki sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, hindi ako nakapag-iwan ng isang maliit na kasalanan ni isang malaking kasalanan malibang nagawa ko na." Nagsabi siya: "Hindi ba sumasaksi ka na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh?" nang tatlong ulit. Nagsabi ito: "Opo." Nagsabi siya: "Kaya tunay na iyon ay pupuksa roon."} Tumpak - Nagsalaysay nito sina Imām Abū Ya`lā, Imām Aṭ-Ṭabarānīy, at Imām Aḍ-Ḍiyā' Al-Maqdisīy
explain-icon

Ang pagpapaliwanag

May dumating na isang lalaki sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, tunay na ako ay gumawa nga ng lahat ng mga pagkakasala at mga pagsuway at hindi ako nag-iwan ng isang maliit na kasalanan ni isang malaking kasalanan malibang ginawa ko iyon. Kaya patatawarin po ba ako?" Kaya nagsabi rito ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi ba sumasaksi ka na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh?" Umulit-ulit siya nito ng tatlong beses. Kaya nagsabi ito: "Opo. Sumasaksi po ako." Kaya nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) hinggil sa kainaman ng Dalawang Pagsaksi at pagtatakip-sala nito sa mga masagwang gawa at na ang pagbabalik-loob ay nagpapawalang-saysay sa anumang kasalanan bago nito.

explain-icon

fawaed

  • Ang kadakilaan ng Dalawang Pagsaksi at ang kabigatan nito higit sa mga pagkakasala para sa sinumang nagsabi nito nang tapat mula sa puso niya.
  • Ang Islām ay nagpapawalang-saysay sa anumang kasalanang bago nito.
  • Ang tapat na pagbabalik-loob ay pumapawi ng kasalanan bago nito.
  • Ang pag-uulit-ulit sa pagtuturo ay bahagi ng pagpatnubay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
  • Ang kainaman ng Dalawang Pagsaksi at na ang dalawang ito ay isang kadahilanan para sa kaligtasan mula sa pamamalagi sa Impiyerno.