Nakarinig ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang lalaking nagpapayo sa kapatid nito na iwaksi niya ang kadalasan ng pagkahiya kaya naglinaw siya rito na ang pagkahiya ay bahagi ng pananampalataya at na ito ay walang inihahatid kundi kabutihan. Ang pagkahiya ay isang kaasalang nagdadala sa paggawa ng marikit at pagwaksi ng pangit.