explain-icon

Ang pagpapaliwanag

Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na kabilang sa tungkulin ng Muslim sa kapwa niyang Muslim ay na pakainin niya ang nagugutom, bisitahin niya ang maysakit, at palayain niya ang bilanggo.

explain-icon

fawaed

  • Ang paghimok sa pagtutulungan sa pagitan ng mga Muslim.
  • Ang paghimok sa pagpapakain ng nagugutom na nangangailangan ng pagkain sapagkat siya ay inuutusan ng pagpapakain nito.
  • Ang pagkaisinasabatas ng pagdalaw sa maysakit bilang pag-alo sa damdamin niya, pagdalangin para sa kanya, pagtamo ng pabuya [kay Allāh], at iba pa roon.
  • Ang pagsisigasig sa pagpapalaya sa bilanggo kapag ibinilanggo siya ng mga tagatangging sumampalataya. Iyon ay maaaring sa pamamagitan ng pagbabayad ng panumbas sa pagpapakawala sa kanya mula sa kanila o sa pamamagitan ng pagtutumbas ng isang ibinilanggo kabilang sa mga tagatangging sumampalataya, ibig sabihin: sa pamamagitan ng pakikipagpalitan.