explain-icon

Ang pagpapaliwanag

Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na kapag may nagpapabalik-balik na anuman sa tiyan ng tagapagsagawa ng ṣalāh ngunit nakalito sa kanya kung may lumabas ba sa kanya na anuman o wala, hindi siya lilisan sa pagsasagawa niya ng ṣalāh at puputol nito para mag-ulit ng wuḍū', hanggang sa makatiyak siya sa pagkakaroon ng ḥadath na tagasira ng wuḍū' niya dahil sa pagkarinig ng tunog ng utot o pagkaamoy ng baho dahil ang natitiyak ay hindi nagpapawalang-saysay rito ang pagdududa habang siya ay nakatiyak nga sa ṭahārah at ang ḥadath ay pinagdududahan.

explain-icon

fawaed

  • Ang ḥadīth na ito ay isang batayan kabilang sa mga batayan ng Islām at isang tuntunin kabilang sa mga tuntunin ng fiqh: na ang katiyakan ay hindi naglalaho dahil sa pagdududa. Ang batayang panuntunan ay ang pananatili ng dating anuman sa dating anuman, hanggang sa makatiyak sa kasalungatan niyon.
  • Ang pagdududa ay hindi nakaaapekto sa taharah at ang tagapagsagawa ng ṣalāh ay nananatili sa ṭahārah niya hanggat hindi siya nakatiyak ng ḥadath.