explain-icon

Ang pagpapaliwanag

Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na kailangan sa ama na mag-utos sa mga anak niya, na mga lalaki at mga babae, na magsagawa ng ṣalāh kapag ang mga edad nila ay pitong taon at magturo sa kanila ng kinakailangan nila para sa pagpapanatili nito. Kapag umabot sila sa edad na sampung taon, magdaragdag siya sa pag-uutos sapagkat mamamalo siya sa pagkukulang sa mga ito. Magpapahiwalay siya sa kanila sa mga higaan.

explain-icon

fawaed

  • Ang pagtuturo sa mga batang anak bago ng pagbibinata at pagdadalaga ng mga nauukol sa Relihiyong Islām, na kabilang sa pinakamahalaga sa mga ito ang ṣalāh.
  • Ang pamamalo ay para sa pagdisiplina at hindi para sa pagdulot ng pagdurusa. Kaya mamamalo ng isang pamamalong naaangkop sa kalagayan ng bata.
  • Ang pagmamalasakit ng Palabatasan ng Islām sa pag-iingat sa mga dangal at ang pagpinid nito ng bawat daang maaaring humantong sa katiwalian.