Ang pinakamarami sa tagubilin ng Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Kalipunan niya habang siya ay nasa mga hapdi ng kamatayan ay: "Manatili kayo sa ṣalāh, mangalaga kayo rito, at huwag kayong malilingat dito. Gayundin, gampanan ninyo ang mga karapatan ng minay-ari ng mga kanang kamay ninyo na mga lalaking alipin at mga babaing alipin at gumawa kayo ng maganda sa pag-aari ninyo." Hindi siya natigil na umuulit nito hanggang sa nagsimulang lumalaguklok dahil dito ang lalamunan niya. Hindi halos makapaglinaw dahil dito ang dila niya.