Nagpapabatid ang Propeta (s) hinggil sa kalagayan ng demonyo at pakikihamok nito sa tao na nagnanais magsagawa ng salah sa gabi o madaling-araw. Ang mananampalataya kapag natulog, nagbubuhol ang demonyo sa batok niya – ibig sabihin: sa hulihan ng ulo niya – ng tatlong buhol. Kapag nagising ang mananampalataya, umalaala kay Allah (t), at hindi tumugon sa mga pasaring ng demonyo, may nakakalas na isang buhol. Kung nagsagawa naman siya ng wudu, nakakalas ang isa pa Kung bumangon siya saka nagdasal, nakakalas ang ikatlong buhol at uumagahin siyang masigla, na kaaya-aya ang kaluluwa dahil sa kasiyahan niya sa pagkatuon sa kanya ni Allah sa pagtalima, habang nagagalak sa ipinangako sa kanya ni Allah na gantimpala at kapatawaran kasama ng naalis sa kanya mula sa mga buhol ng demonyo at pagpapatamlay nito; at kung hindi, uumagahin siyang karima-rimarim ang kaluluwa, na pinalungkot ang puso, na tamad sa mga gawain ng kabutihan at pagsasamabuting-loob dahil siya ay iginapos sa gapos ng demonyo at inilayo sa kalapitan sa Napakamaawain.