Nagsabi si `Ā’ishah (malugod si Allāh sa kanya): "Ako minsan ay natutulog sa tabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nawalay ako sa kanya isang gabi. Kinapa ko ng kamay ko ang puwesto na dinadasalan niya sa silid ngunit siya pala ay nakapatirapa at ang mga paa niya ay nakatukod at biglaang siya ay nagsasabi: {nagpapakupkop [ako]} at nagsusumamo {sa pagkalugod Mo laban sa pagkayamot Mo} sa akin o sa Kalipunan ko. Humihiling ako ng pagkupkop {sa pagpapaumanhin Mo) at paumanhin Mong marami {laban sa pagpaparusa Mo}. {at nagpapakupkop [ako] sa Iyo laban sa Iyo} at sa mga katangian ng karikitan Mo laban sa mga katangian ng kapitaganan sa Iyo yayamang walang nagkukupkop laban sa Iyon kundi Ikaw. Walang maliligtasan at walang madudulugan laban kay Allāh kundi sa Kanya! {Hindi ako makabibilang ng pagbubunyi sa Iyo}: hindi ako makakakaya at hindi ako makaaabot sa takda at sa bilang dahil sa kawalang-kakayahan ko sa pagbilang sa biyaya Mo at paggawa Mo ng maganda, kung paanong nagiging karapat-dapat Ka kahit pa man nagsumikap ako roon. {Ikaw ay kung paanong nagbunyi Ka sa sarili Mo} sapagkat Ikaw ang nagbunyi sa sarili mo nang pagbubunying naaangkop sa Iyo, kaya sino ang makakakaya sa pagganap ng totoong pagbubunyi sa Iyo?