Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag nagsagawa siya ng takbīr para sa ṣalāh, ay nananahimik nang isang bahagyang pananahimik bago siya bumigkas ng Al-Fātiḥah. Nagpapasimula siya rito ng ṣalāh niya sa pamamagitan ng ilan sa mga panalangin. Kabilang sa nasaad mula sa mga panalanging ito ang sabi niya: "Allāhumma bā`id baynī wa-bayna khaṭāyāya kamā bā`adta bayna -lmashriqi wa-lmaghribi.* Allāhumma naqqinī mina -lkhaṭāyā kamā yunaqqa -ththawbu -l'abyaḍu mina -ddanas. Allāhumma -ghsilnī min khaṭāyāya bi-lmā'i wa-ththalji wa-lbarad. (O Allāh, magpalayo Ka sa pagitan ko at ng mga kamalian ko kung paanong nagpalayo Ka sa pagitan ng silangan at kanluran. O Allāh, magdalisay Ka sa akin mula sa mga kamalian kung paanong dinadalisay ang puting kasuutan mula sa karumihan. O Allāh, maghugas Ka sa akin mula sa mga kamalian ko ng tubig, niyebe, at yelo.)" Siya ay dumadalangin kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) na magpalayo sa pagitan niya at ng mga kamalian sa pamamagitan ng hindi niya pagkasadlak sa mga ito, sa isang pagpapalayong walang mangyayari sa kanya na isang pakikipagkita kung paanong walang pakikipagkita sa pagitan ng silangan at kanluran magpakailanman. Kung nasadlak siya sa mga ito, dalisayin nawa siya mula sa mga ito at alisin nawa ang mga ito kung paanong naaalis ang karumihan mula sa puting kasuutan at na hugasan nawa siya mula sa mga kamalian niya at palamigin nawa ang lagablab ng mga ito at ang init ng mga ito sa pamamagitan ng mga malamig na tagapagdalisay na ito: ang tubig, ang niyebe, at ang yelo.