Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang maayos na gawain sa unang sampung araw ng buwan ng Dhulḥijjah ay higit na mainam kaysa sa nalalabi sa mga araw ng taon. Nagtanong ang mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila) sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa pakikibaka sa iba pa sa sampung araw na ito kung ito ba ay higit na mainam o ang mga maayos na gawain sa mga araw na ito. Iyon ay dahil sa napagtibay sa ganang kanila na ang pakikibaka ay kabilang sa pinakamainam sa mga gawain. Kaya sumagot ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang maayos na gawain sa mga araw na ito ay higit na mainam kaysa sa pakikibaka sa mga ibang araw, maliban sa isang lalaking lumabas na nakikibaka at nagsuong ng sarili niya at yaman niya sa panganib alang-alang sa landas ni Allāh saka nawala ang yaman niya at ibinuwis ang kaluluwa niya alang-alang sa landas ni Allāh. Iyan ay ang nakalalamang sa maayos na gawain sa mga lamang na araw na ito.