Ipinabatid ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na hindi papasok sa Impiyerno ang sinumang umiyak dahil sa takot kay Allah dahil ang kadalasan sa pagkatakot ang pagsunod sa pagtalima at ang pag-iwas sa pagsuway, malibang bumalik ang gatas sa suso. Ito ay bahagi ng pagkakapit ng [resulta] sa imposibleng [kondisyon]. Hindi magtatagpo sa isang tao ang alabok ng pakikipaglaban alang-alang sa landas ni Allah at ang usok ng Impiyerno sapagkat para bang ang dalawang ito ay magkasulangatan na hindi nagtatagpo kung paanong ang Mundo at ang Kabilang-buhay ay magkataliwas.