explain-icon

Ang pagpapaliwanag

Sumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pag-iwas ng Muslim sa kapatid niyang Muslim nang higit sa tatlong araw: nagsasalubong ang bawat isa sa kanila sa isa pa at hindi bumabati rito at hindi kumakausap dito. Ang pinakamainam sa dalawang nag-aalitang ito ay ang sinumang nagtatangka ng pag-aalis ng pag-iiwasan at nagpapasimula ng pagbati. Ang ibig sabihin ng pag-iwas dito ay ang pag-iwas alang-alang sa kabutihan ng sarili. Hinggil naman sa pag-iwas alang-alang sa karapatan ni Allāh gaya ng pag-iwas sa mga suwail, mga tagagawa ng bid`ah, at mga kapisan ng kasagwaan, ito ay hindi natatakdaan ng oras. Ito ay sumasalalay lamang sa kapakanan sa pag-iwas at napapawi sa pagkapawi nito.

explain-icon

fawaed

  • Ang pagpayag sa pag-iwas sa loob ng tatlong araw saka mababa pa, bilang pagsasaalang-alang sa mga kalikasang pantao, kaya naman napauumanhinan sa pag-iwas sa loob ng tatlong araw upang maalis ang sama ng loob na iyon.
  • Ang kainaman ng pagbati, na ito ay nag-aalis ng sama ng loob sa mga kaluluwa, at na ito ay isang palatandaan ng pag-ibig.
  • Ang sigasig ng Islām sa kapatiran at pagpapalagayang-loob sa pagitan ng mga alagad nito.