May humiling na isang lalaki sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na gumabay ito sa kanya tungo sa isang gawaing kapag gumawa siya nito, iibig sa kanya si Allāh at iibig sa kanya ang mga tao. Kaya nagsabi sa kanya ang Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan): "Iibig sa iyo si Allāh kapag nag-iwan ka ng mainam mula sa Mundo at anumang hindi magpapakinabang sa iyo sa Kabilang-buhay at nag-iwan ka ng anumang maaaring maging may pinsala sa Relihiyon mo. Iibig sa iyo ang mga tao kapag nagwalang-halaga ka sa anumang nasa mga kamay nila mula sa Mundo dahil sila ay umiibig dito dahil sa kalikasan nila. Ang sinumang nakipagsiksikan sa kanila rito ay kamumuhian nila at ang sinumang nag-iwan nito para sa kanila ay iibigin nila.