Ang kahulugan ng hadith: May nagdaan sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na dalawang lalaki. Ang isa sa dalawa ay kabilang sa mga maharlika ng mga tao, kabilang sa sinusunod ang pananalita sa kanila, kabilang sa tinutugon kapag nag-alok, at dinidinig kapag nagsabi. Ang ikalawa ay ang kabaliktaran: isang lalaking kabilang sa mga mahina sa mga Muslim, wala siya halaga. Kung nag-alok ay hindi tinutugon. Kung namagitan ay hindi tinatanggap ang pamamagitan. Kung nagsabi ay hindi dinidinig. Kaya nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "[Ang maralitang] Ito ay higit na mabuti kaysa sa gamundong dami ng tulad ng [maharlikang] iyon." Ibig sabihin ay mabuti sa ganang kay Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, kaysa sa gamundong dami ng tulad ng lalaking ito na may kamaharlikaan at impluwensiya sa mga tao niya dahil si Allah, napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas, ay hindi tumitingin sa kamaharlikaan, impluwensiya, kaangkanan, yaman, anyo, kasuutan, sasakyan, at tirahan. Tumitingin lamang siya sa mga puso at gawa. Nasaad sa hadith: "Tunay na si Allah ay hindi tumitingin sa mga anyo ninyo ni sa mga yaman ninyo, ngunit tumitingin lamang Siya sa mga puso ninyo at sa mga gawa ninyo." Isinaysay ito ni Muslim, numero 2564. Kaya kapag bumuti ang puso sa pagitan niya at ni Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, at nagbalik-loob kay Allah, naging nag-aalaala kay Allah, pagkataas-taas Niya, natatakot sa Kanya, nagpapakumbaba sa Kanya, gumagawa sa ikinalulugod ni Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, ito ang marangal sa ganang kay Allah. Ito ang prominente kay mabunyi sa ganang Kanya. Ito ang taong kapag sumumpa kay Allah, talagang tutuparin Niya.