May nag-alipustaan at naglaitan na dalawang lalaki sa harap ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Namula nga ang mukha ng isa sa kanilang dalawa at namintog ang mga ugat niyang nakapalibot sa leeg niya. Kaya nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ako ay talagang nakaaalam ng isang pangungusap na kung sakaling sinabi niya, ang galit na ito ay talagang maaalis palayo sa kanya. Kung sakaling nagsabi siya: A`ūdhu bi-llāhi mina -shhayṭāni -rrajīm (Nagpapakupkop ako kay Allāh laban sa demonyong isinumpa)." Kaya nagsabi sila rito: "Tunay na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: Magpakapalakupkop ka kay Allāh laban sa demonyo." Kaya nagsabi ito: "Baliw ba ako?" Nagpalagay siya na walang humihiling ng pagkupkop kay Allāh laban sa demonyo kundi ang sinumang may kabaliwan.