Nagtanong ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga Kasamahan niya: "Nagnanais ba kayo na magpabatid ako sa inyo at magpaalam ako sa inyo hinggil sa pinakamainam sa mga gawa ninyo, pinakamarangal sa mga ito, pinakamalago sa mga ito, pinakadalisay sa mga ito, pinakabusilak sa mga ito sa ganang kay Allāh na Tagapagmay-ari (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan), pinakaangat sa mga ito sa mga tahanan ninyo sa Paraiso, pinakamabuti para sa inyo kaysa sa pagkakawanggawa ng ginto at pilak, at pinakamabuti para sa inyo kaysa makipagtagpo kayo sa mga tagatangging sumampalataya para makipaglaban para tumaga kayo sa mga leeg nila at tumaga sila sa mga leeg ninyo? Nagsabi ang mga Kasamahan: "Opo, nagnanais kami niyon." Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang pag-alaala kay Allāh (napakataas Siya) sa kabuuan ng mga oras at sa lahat ng mga anyo at mga kalagayan."