Pumunta si Mu`āwiyah bin Abī Sufyān (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) sa kinaroroonan ng isang umpukan sa masjid saka nagtanong siya sa kanila hinggil sa aling bagay nagtipon sila. Kaya nagsabi sila: "Nag-aalaala kami kay Allāh." Kaya nagpasumpa siya sa kanila (malugod si Allāh sa kanila) na sila ay hindi nagnais sa pag-upo nila at pagtitipon nila kundi ng pag-aalaala. Kaya sumumpa naman sila sa kanya. Pagkatapos nagsabi siya sa kanila: "Tunay na ako ay hindi nagpasumpa sa inyo dala ng paghihinala sa inyo at dala ng pagdududa sa katapatan ninyo." Pagkatapos nagpabatid siya tungkol sa katayuan niya sa Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan), na hindi nagkaroon ng isang nasa katayuan ng kalapitan niya rito dahil sa pagiging si Ummu Ḥabibah na kapatid niya ay maybahay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at dahil sa pagiging siya ay kabilang sa mga tagasulat ng kasi. Gayon pa man, siya ay kaunti ang pagsasalaysay ng mga ḥadīth. Nagsanaysay siya sa kanila na ang Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) ay lumabas ng bahay nito isang araw saka nakatagpo ito sa kanila na mga nakaupo sa masjid na nag-aalaala kay Allāh at nagpupuri sa Kanya dahil nagpatnubay Siya sa kanila sa Islām at nagmagandang-loob Siya nito sa kanila. Nagtanong ito (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) sa kanila at nagpasumpa sa kanila ng tulad sa ginawa ni Mu`āwiyah (malugod si Allāh sa kanya) sa mga Kasamahan niya. Pagkatapos nagsabi sa kanila ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa kadahilanan ng pagtatanong niya sa kanila at pagpapasumpa sa kanila: na pumunta sa kanya si Anghel Gabriel (sumakanya ang pangangalaga) saka nagpabatid sa kanya na: "Si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay nakikipagmapuri at nakikipagmalaki sa kanila sa mga anghel, naghahayag ng kainaman ninyo sa kanila, nagpakita sa kanila ng kagandahan ng gawain ninyo, at nagbubunyi sa inyo sa piling nila."