explain-icon

Ang pagpapaliwanag

Hindi naging bahagi ng mga kaasalan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang pangit na pananalita o ang pangit na gawain at hindi siya noon nagpapakay nito at hindi nananadya nito sapagkat siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay may dakilang kaasalan. Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi noon: "Tunay na ang pinakamainam sa inyo sa ganang kay Allāh ay ang pinakamaganda sa inyo sa kaasalan sa pamamagitan ng pagkakaloob ng nakabubuti, kaaliwalasan ng mukha, pagpigil ng perhuwisyo, pagbabata nito, at pakikihalubilo sa mga tao sa pamamagitan ng karikitan."

explain-icon

fawaed

  • Kailangan sa mananampalataya na lumayo sa pagkamahalay kabilang sa masagwang pananalita at pangit na gawain.
  • Ang kalubusan ng kaasalan ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sapagkat walang namumutawi sa kanya kundi ang maayos na gawa at kaaya-ayang salita.
  • Ang kagandahan ng kaasalan ay isang larangan ng pagpapaligsahan sapagkat ang sinumang nagwagi ay naging kabilang sa mga pinakamabuti sa mga mananampalataya at pinakalubos sa kanila sa pananampalataya.