explain-icon

Ang pagpapaliwanag

Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nagtanggol sa dangal ng kapatid niyang Muslim sa sandali ng pagkaliban nito sa pamamagitan ng pagpigil sa pagpula rito o paggawa ng masagwa rito, tunay na si Allāh ay magsasanggalang sa kanya sa pagdurusa sa Araw ng Pagbangon.

explain-icon

fawaed

  • Ang pagsaway laban sa pagsasalita kaugnay sa mga dangal ng mga Muslim.
  • Ang ganti ay kabilang sa uri ng gawain. Kaya ang sinumang nagsanggalang sa dangal ng kapatid niya, magsasanggalang si Allāh sa kanya sa Impiyerno.
  • Ang Islām ay Relihiyon ng pagkakapatiran at pag-aadyaan sa pagitan ng mga alagad nito.