Naglinaw si Abdullāh bin Zayd (malugod si Allāh sa kanya) ng pamamaraan ng pagsasagawa ng wuḍū' ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa isang anyong praktikal. Kaya humiling siya ng isang maliit na lagayan ng tubig. Nagsimula siya, una, sa paghuhugas ng mga kamay niya. Pagkatapos inihilig niya ang lagayan at nagbuhos ng tubig saka naghugas ng mga ito nang tatlong ulit sa labas ng lalagyan ng tubig. Pagkatapos nagpasok siya ng kamay niya sa lagayan saka sumalok mula rito ng tatlong salok, na nagmumumog siya sa bawat salok, nagsisinghot ng tubig, at nagsisinga. Pagkatapos sumalok siya mula sa lagayan saka naghugas ng mukha niya nang tatlong ulit. Pagkatapos sumalok siya mula rito saka naghugas ng mga kamay niya hanggang sa mga siko nang tigdadalawang ulit. Pagkatapos nagpasok siya ng mga kamay niya sa lagayan saka nagpahid siya sa ulo niya ng mga kamay niya. Nagsimula siya sa harapan ng ulo niya hanggang sa umabot sa batok niya sa ibabaw ng leeg, pagkatapos nagpabalik siya ng mga ito hanggang sa umabot sa bahaging pinagsimulan niya. Pagkatapos naghugas siya ng mga paa niya hanggang sa mga bukungbukong.