Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nag-aangat ng mga kamay niya sa tatlong posisyon ng ṣalāh nang katapat o kaharap sa balikat, na pinagsasalubungan ng mga buto ng balagat (shoulder blade) at bisig. Ang Unang Posisyon: Kapag nagpasimula siya ng pagsasagawa ng ṣalāh sa sandali ng pagsasagawa ng takbīr ng pagsisimula. Ang Ikalawang Posisyon: Kapag nagsagawa siya ng takbīr para sa pagyukod. Ang Ikatlong Posisyon: Kapag nag-angat siya ng ulo niya mula sa pagkakayukod at magsasabi siya ng: "Sami`a -llāhu li-man ḥamidah. Rabbanā wa-laka -lḥamd. (Duminig si Allāh sa sinumang nagpuri sa Kanya. Panginoon namin, at ukol sa Iyo ang papuri.)" Hindi siya nag-aangat ng mga kamay niya sa sandali ng pagpapasimula ng pagpapatirapa ni sa sandali ng pag-angat mula rito.