Naglilinaw si `Abdullāh bin `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na kabilang sa mga kusang-loob na ṣalāh na naisaulo niya buhat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang sampung rak`ah. Tinatawag ang mga ito bilang mga sunnah rātibah: Dalawang rak`ah bago ng ḍ̆uhr at dalawang rak`ah matapos nito, Dalawang rak`ah matapos ng maghrib sa bahay niya, Dalawang rak`ah matapos ng `ishā' sa bahay niya, Dalawang rak`ah bago ng fajr. Kaya nalubos ang sampung rak`ah. Hinggil naman sa ṣalāh sa Biyernes, nagdarasal siya matapos nito ng dalawang rak`ah.