Binasa ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang dalawang Kabanata ng Atten at Azzaytun sa unang tindig ng dasal na `Eisha,Dahil siya ay nasa paglalakbay,At kapag sa paglalakbay-pinapangalagaan rito ang pagpapagaan at pagiging madali,dahil sa hirap at pagod nito.At dahil sa ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nasa paglalakbay.subalit hindi niya iniiwan ang mga bagay na nagdudulot sa pagkatakot kay Allah at nakakapag-palambot ng puso sa pakikinig ng Qur-an,Ito ay ang pagpapaganda ng boses sa pagbabasa ng Qur-an