Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay nagdadasal ng kusang-loob lamang na dasal sa likod ng sinasakyan niya,kung saan nakaharap ito kahit na hindi sa Qiblah,at ibinababa niya ang ulo niya bilang tanda sa kanyang pagyuyuko at pagpapatirapa,at hindi siya naoobliga na bumaba sa lupa para yumuko at magpatirapa at humarap sa Qiblah,at walang pagkakaiba sa pagitan ng [isinasagawa niyang] kusang-loob na dasal sa pangkalahatan,o sa mga Sunnah na Rawatib,o sa mga dasal na may kasamang dahilan,At hindi niya ito ginagawa sa mga Pagdarasal na Obligado,At gayundin siya ay nagdadasal ng Witr sa kanyang Kamelyo.