Nagpapabatid ang Propeta (s) tungkol sa dalawang kakanyahan sa mga tao kabilang sa mga gawain ng mga tagatangging sumampalataya at mga kaasalan ng Panahon ng Kamangmangan. Ang dalawang ito ay: Una: Ang paninirang-puri sa mga kaangkanan ng mga tao, ang pagmamaliit sa kanila, at ang pagpapakamalaki laban sa kanila. Ikalawa: Ang pagtataas ng tinig sa sandali ng kasawiang-palad bilang pagkainis sa pagtatakda o ang pagpupunit ng mga damit dahil sa tindi ng pagdadalamhati.