Tinanong ni Al-Miqdād bin Al-Aswad (malugod si Allāh sa kanya) ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na kapag siya ay nakipagtagpo sa isang lalaking kabilang sa mga tagatangging sumampalataya sa labanan saka nagtunggalian sila sa pamamagitan ng mga tabak hanggang sa nakapatama ang tagatangging sumampalataya ng tabak sa isa sa mga kamay niya saka nakaputol iyon nito. Pagkatapos tumakas mula sa kanya ang tagatangging sumampalataya at nagpasanggalang sa isang punong-kahoy saka nagsabi ng: Lā ilāha illa -llāh (Walang Diyos kundi si Allāh). "Ipinahihintulot po ba sa akin na patayin siya matapos na pinutol niya ang kamay ko?," tanong niya. Kaya nagsabi sa kanya ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag mo siyang patayin." Kaya nagsabi naman siya: "O Sugo ni Allāh, tunay na siya ay pumutol ng isa sa mga kamay ko. Sa kabila po ba nito ay hindi ko siya papatayin?" Kaya nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag mo siyang patayin sapagkat tunay na siya ay bawal [padanakin] ang dugo. Kung pinatay mo siya matapos ng pag-anib niya sa Islām, tunay na siya ay nasa katayuan mo na pinangangalagaan ang dugo [sa pagdanak] dahil sa pagkaanib niya sa Islām at tunay na ikaw ay nasa katayuan niya na pinapayagan [padanakin] ang dugo dahil sa pagpatay mo sa kanya, bilang ganting-pinsala."