May dumating na isang pangkat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Noong nakarating sila sa kanya, nagsabi sila, habang nagbubunyi sa kanya, ng ilan sa mga salitang kinasusuklaman ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Nagsabi sila: "Ikaw ay pinapanginoon namin." Kaya nasabi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa kanila: "Ang Pinapanginoon ay si Allāh." Sa Kanya ang ganap na pagkapinapanginoon sa nilikha Niya samantalang sila ay mga alipin Niya. Nagsabi sila: "Ang pinakamainam sa amin sa kainaman at ang pinakamataas sa amin sa antas, dangal, at pamumukod. Ikaw ang pinakadakila sa amin sa kagalantehan at ang pinakamarami sa amin sa pagbibigay, kataasan, at kaangatan." Pagkatapos gumabay sa kanila ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na magsabi sila ng nakahihiratiang sabi nila, huwag silang magkunwari sa mga pananalita, at huwag humila sa kanila ang demonyo tungo sa pagpapakalabis at pagpapasobra-sobra na nagpapasadlak sa ipinagbabawal na shirk at mga kaparaanan nito.