Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang buong Kalipunan niya ay papasok sa Paraiso maliban sa tumanggi. Kaya nagsabi ang mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila): "At sino po ang aayaw, O Sugo ni Allāh?" Sumagot naman siya sa kanila (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) na ang sinumang nagpaakay, sumusunod, at tumalima sa Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay papasok sa Paraiso. Hinggil naman sa sinumang sumuway at hindi nagpaakay sa Batas ng Islām, umayaw nga siya sa pagpasok sa Paraiso dahil sa mga masagwang gawa niya.